FANDOM


Ang Peashooter ay ang unang umaatakeng halaman na nakakaputok ng mga tsitsaro na ginagamit ng manlalaro. Ito din at ang iisang halaman na magagamit ng manlalaro ng unang beses sa 1-1. Ang disenyo ng Peashooter ay kahawig ng Codonopsis pilosula, isang uri ng bellflower, at ang munisyon naman nito ay galing sa Pisum sativum.

Ang pangalan nito ay isang laro sa mga salitang "pea" and "pea shooter", na isang laruan na gawa sa isang mahabang tubong iniihipan ng isang tao para maka-shoot ng tuyong tsitsaro o maliliit na papel, parang isang mahinang baril. Ang peashooter ay parang isang baril sa ilang paraan.

PaggamitEdit

Ang Peashooter ay nakababaril ng tsitsaro sa bilis na sinasabing 'normal'. Nakakapatay ito ng isang oradinaryong Zombie sa loob lamang ng sampung tama sa zombie (mahigit-kumulang tatlong yunit ang layo).

Tala sa Suburban AlmanacEdit

Peashooter

Ang mga Peashooter ay ang unang linya ng iyong depensa. Sila ay nagbabaril ng tsitsaro sa pag-atake ng mga zombie.

Pinsala sa zombie: normal

Paano lumago at makabaril ng sobrang daming tsitsaro nang mabilis ang isang halaman? Ang sabi ni Peashooter, "Sipag, paninindigan, at isang malusog at masustansyang almusal ng liwanag mula sa araw at high-fiber carbon dioxide ang nagbibigay-daan upang maging posible ang lahat ng iyon."

Halaga: 100

Pagkarga: mabilis

IstratehiyaEdit

Ang Peashooter ay ang unang lumulusob na halaman na maaaring gamitin ng manlalaro. Ito lamang ang halamang magagamit sa lebel 1-1 ng Adventure Mode. Kailangan itong itanim sa hilera kung saan may dumarating na zombie, kung saan babarilin niya ito ng mga tsitsaro hanggang mamatay (isang tsitsaro bawat 1.4 segundo). Mapakikinabangan ito bilang maagang depensa, kaya't kapag nakapagtanim ka na ng marami nito, mas makabubuti kung papalitan mo ang ilan ng mga mas malalakas na lumulusob na halaman tulad ng Snow Pea at Repeater para sa isang mas malakas na atake.

Ang mga iba't ibang klase ng Peashooter ay hindi ipinapayo na gamitin sa mga lebel sa Roof, sa kadahilanang hindi sila makababaril sa itaas ng padalusdos na anggulo ng bubong kung wala sila sa unang hanay ng anggulo. Bukod doon, maaari rin silang itanim sa patag na bahagi ng bubong, ngunit madali silang masalakay ng mga zombie doon.

Mini-game na Heat WaveEdit

Sa paglalaro ng mini-game na Heat Wave, ang Peashooter, sa unang tingin, ay gagana ng maayos tulad ng sa mga normal na kalagayan. Gayunman, pagkatapos na pagkatapos na sumigaw sa mikropono ng DS, ilan sa mga Peashooter ay magiging mala-kahel ang kulay at magsisimulang bumaril ng tuloy-tuloy na daloy ng mga tsitsaro. Kapag naganap ito, gamitin ang mga Peashooter na iyon upang tapatan ang mga malalakas na zombie tulad ng Football Zombie o Buckethead Zombie.

Habang nagaganap ang lebel, ilan sa mga Peashooter ay magiging mala-kayumangging kulay at babagala ang pagbaril nila. Mawawala ito kapag sumigaw kang muli sa mikropono (ngunit kung pwede lamang) at magiging mala-kahel ang kanilang kulay. Ilagay mo sila sa hilerang iba mula sa hilera na may pagsugod ng mga zombie, upang mapanatili sila para mamaya (kapag pwede na muli silang bumaril).

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Plants vs. Zombies Wiki sa pagpapalawig nito, o kakainin ng mga zombie ang iyong utak!

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki